Biyernes, Oktubre 14, 2011

Sorry Naman

Umaygad.

Ikinagulat ko talaga ang mensahe ni Nishiboy.  Meron na daw na nagmamay-ari ng blog na may titutlong Supladong Officeboy.  Nalurkey si watashi.  Sa lahat ng ayoko ay mabahiran nang kung anumang duda ang intensyon ko sa pagbabalik sa blogosphere.  Wala sa bukalbularyo ko ang p-l-a-g-a-r-i-s-m. 

Siyempre kumaripas ang mga mala-kendel kong daliri sa pag-google kung may existing nga na blog na Supladong Officeboy.

Meron nga. Falanggana. Plangak. Plunging neckline with matching beads at samahan mo pa ng cleavage.

At kahit na "Supladitong Officeboy" ang orihinal na titulo ng batang blog na ito, hindi na ako nag-dalawang isip na baguhin ito.  "Supladito"and "Suplado" may differ in spelling and meaning but there's a legal principle called ïdem sonams.   Literally, ang ibig sabihin ay "sounds like".  At dahil sa prinsipyong ito, hindi mo na maaring gamitin ang pangalang kasing-tunog o parehong tunog ng pangalan ng iba lalo pa't kung ito ay magdudulot ng kalituhan. 

Kung sakali, at kung sakali lang naman, na napa-rehistro ng may-ari ng "Supladong Officeboy" ang kanyang blog sa Intellectual Property Office, siguradong talo pa rin ako.  Una, dahil sa "first in use" rule.  Gamit na niya ang titulong "Supladong Officeboy" simula pa 2010. Ako, last week lang.  Jogsak agad.
Ikalawa, may hawak na siyang copyright.

Ako, copy cat lang.  Ganyan.

Gayunman, isang mapagkumbabang paumanhin kay Supladong Officeboy sa hindi sinasadyang paggamit ng titulong kasing-tunog ng blog mo.  I humbly apologize and implore your forgiveness.

Binabawi ko na titulong "Supladitong Officeboy" at binibinyagan ko muli ang blog na ito ng may titulong (ehem...) "Malditong Officeboy."

Ngayon, magtataka naman kayo bakit ni-retain ko ang salitang "Officeboy."

Mga marz, common noun ang "officeboy" at res nullus iyan.  Walang sinumang maaaring mag-claim ng exclusive copyright sa salitang iyan.

Kung pipilitin ninyo na pati ang salitang "Officeboy" sa blog title ko ay palitan...

Kape, gusto niyo?  Choz.

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Nagmamaldito Na Naman Ang Officeboy

Nunquam iterum.  Latin iyan, mga marz, hindi orasyon sa kulam.  Ang English translation ay "never again." Sa Tagalog naman ay "hindi na muli." Sa French ay...aray, kinagat ako ng lamok. Choz.

Nasabi ko na kasi ang mga katagang iyan mula noong isara ko na ang lumang blog ko, walong buwan na ang nakakaraan.  Halos isumpa ko na ang pagbo-blog.  Muntik na kasing maging mitsa ng walang fuknat na pag-aaway namin ng asawa ko na tinalo pa si Anne Curtis kung pagselosan at pagdudahan ang pure intenshyens ko nang minsan aminin ko na buntis ako sa ibang otoko na-meet ko na ang ibang fellow bloggers ko.  Ayun, he turned my world upside down.  Literally, as in upside down.  Muntik pa mauwi sa divorce.  Mala-Kramer versus Kramer lang.  Choz. 

Sayang naman ang 8 years naming pagsasama ni Fafa kung tutuldukan lang ng isang blog.  Eh di burahin, Ate Charo.  Pathethic much ang pagiging seloso niya, pero maiintindihan mo din (hopefully) kung bakit.  That is, kung carrybelles mong subaybayan ang kwento ng masalimuot kong la vida rosa con calachuchi.  Pero kailangan ko pa ba talagang ipa-intindi sa iyo o sa ibang mambabaasa? (Supladito much lang.)

Ang malaking tanong: bakit heto na naman ako, nagmamaganda at balik sa pagbo-blog?

Hindi ko knows why. Basta alam ko, maganda lang ako. Naman

Feeling ko kasi hindi kumpleto ang aking life laced with fuschia, eccrue and magenta-colored glitters kung hindi ako magsusulat.  Naman.

Pero kwidaw si watashi, it's like I'm courting another disaster as I punch these words. Naman.

Baka mahuli na naman kasi ako ni Fafa na nagbo-blogelya. Naman.

Warla na naman ito, ala North versus South Korea.  Takot ko lang ma-jombag ng kanyang 6-foot frame gym-fit budam.  'Wag naman

Mahal ang diamond peel at reconstructive surgery. Vakhlers lang.

Siyempre hindi ko sasabihin kung ano title ng former blog ko.  Kung babanggitin ko kasi ay parang ipinanglandakan ko na rin ang picture ko. (Eh 'di nag-panic ka sa ganda ko. Hihihi.)  Kung curious ka, ibaling mo na lang ang mga mata mo sa profile pic ko. (Maduling ka sana. Choz.)

Kung curious ka pa at trying to force your luck, bibigyan kita ng clue.  Basta in pure, unadulterated English ang former blog ko.  May pagka-UN ambassadress este ambassador of goodwill kasi ang Officeboy mo, gusto ma-reachout lahat ng nasyhens op da werld.  Parang Angelina Jolie-Pitt lang. Ganyan.

Ngayon, magsusulat at bubutingting ako sa Tagalog.  Good luck sa pagbabasa marz. 

At nai-kwento ko na rin dun ang buhay naming mag-asawa na sinubaybayan ng ilan.  Pero ngayon, nakakubli na sa kadiliman ng cyberspace ang dokumentadong buhay ko kasi hawak ni Fafa ang password ng former blog ko.  Ayoko naman siya galitin kasi baka mag-post siya doon ng scandal video namin eh di sira ang career ko. Choz.  Ang galing ko pa naman bumalentong, tumuwad, maglaway, malurkey, tumuwad ulit, bumaliktad, at tumuwad pa nga, ihagis (nasabi ko na bang tumuwad din ako) sa scandal video namin na kinuhanan pa sa batis ng aringkingking. Choz ulit. Sayang lang at ayoko ipakita, baka kasi ma-realize mo pa na lahat tayo ay pwedeng maging resident acts ng Cirque Du Soleil. Choz na pangatlo.

Nai-kwento ko na din sa former blog ko kung anong uri ng trabaho meron ako at si Fafa.  Kung hindi mo pa ako kilala, let's just say that we make an unlikely pair.  Ako office-based, siya naman, hospital-based.  Parang kare-kare at atsara lang.  Siyempre, I won't divulge my profession in this blog.  Eh di parang binoroadcast ko na din ang tunay kong pangalan.  Gandah mo lang, marz.  Malurkey ka na kaka-harbat ng identity ko, pero nunca ko iispluk.  Konting kurot pa. Hihihi.

Konting pakiusap ko lang sa íyo marz, kung kilala mo na ako, iwasan mo na lang maglagay ng anumang mag-iispluk ng identity ko sa comments section.  Kung ayaw mo mag-marka sa fezlaboom mo ang newly-manicured posh nails ko by Caronia pwede lang naman.

Heniweys, wish ko lang na simula na ito ng tuloy-tuloy kong pagsusulat nang walang takot, minimal pangamba at zero paranoia at nang hindi nate-threaten ang lovelife ko. 

At mula sa hinimlay kong former blogger identity, I shall be the Phoenix who rises from her (her talaga o!) monumental ashes...

and I shall be known as...

Malditong Officeboy.