Ikinagulat ko talaga ang mensahe ni Nishiboy. Meron na daw na nagmamay-ari ng blog na may titutlong Supladong Officeboy. Nalurkey si watashi. Sa lahat ng ayoko ay mabahiran nang kung anumang duda ang intensyon ko sa pagbabalik sa blogosphere. Wala sa bukalbularyo ko ang p-l-a-g-a-r-i-s-m.
Siyempre kumaripas ang mga mala-kendel kong daliri sa pag-google kung may existing nga na blog na Supladong Officeboy.
Meron nga. Falanggana. Plangak. Plunging neckline with matching beads at samahan mo pa ng cleavage.
At kahit na "Supladitong Officeboy" ang orihinal na titulo ng batang blog na ito, hindi na ako nag-dalawang isip na baguhin ito. "Supladito"and "Suplado" may differ in spelling and meaning but there's a legal principle called ïdem sonams. Literally, ang ibig sabihin ay "sounds like". At dahil sa prinsipyong ito, hindi mo na maaring gamitin ang pangalang kasing-tunog o parehong tunog ng pangalan ng iba lalo pa't kung ito ay magdudulot ng kalituhan.
Kung sakali, at kung sakali lang naman, na napa-rehistro ng may-ari ng "Supladong Officeboy" ang kanyang blog sa Intellectual Property Office, siguradong talo pa rin ako. Una, dahil sa "first in use" rule. Gamit na niya ang titulong "Supladong Officeboy" simula pa 2010. Ako, last week lang. Jogsak agad.
Ikalawa, may hawak na siyang copyright.
Ako, copy cat lang. Ganyan.
Gayunman, isang mapagkumbabang paumanhin kay Supladong Officeboy sa hindi sinasadyang paggamit ng titulong kasing-tunog ng blog mo. I humbly apologize and implore your forgiveness.
Binabawi ko na titulong "Supladitong Officeboy" at binibinyagan ko muli ang blog na ito ng may titulong (ehem...) "Malditong Officeboy."
Ngayon, magtataka naman kayo bakit ni-retain ko ang salitang "Officeboy."
Mga marz, common noun ang "officeboy" at res nullus iyan. Walang sinumang maaaring mag-claim ng exclusive copyright sa salitang iyan.
Kung pipilitin ninyo na pati ang salitang "Officeboy" sa blog title ko ay palitan...
Kape, gusto niyo? Choz.
mem, gusto kita i-follow kaso wala kang follower widget. o nabubulag lang ba ako?
TumugonBurahin